Inihayag ng ilang Pangasinense na bagamat mayroong maximum suggested retail price na ibinaba Pamahalaan sa presyo ng baboy, mataas pa rin umano ito para sa ilang consumer.
Ang MSRP na naunang inimplementa sa NCR noong lunes ay naglalaro sa 350-380 pesos. Ilan sa mga nakapanayam ng IFM News Dagupan, sinabing sana ay magkaroon pa ng mas malaking pagbaba sa kada kilo ng baboy sa mga pamilihan. Ani ng ilang konsyumer, naramdaman naman umano nila ang bawas sa presyo nito ngunit hindi sapat para masabing tuluyang bumaba ang presyo.
Ayon naman sa ilang tindera ng karne, talaga umanong pabago-bago ang presyuhan sa karne ng manok kung ikukumpara sa karne ng baboy.
May mga parte naman umanong mabenta pa rin ngunit mas inaayon na umano ng mga konsyumer ang kanilang pagbili sa kanilang budget. Sa ngayon, nasa 380-400 pesos ang makikitang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨