MSWD MAPANDAN, MARIING PINABULAANAN ANG UKOL SA UMANO’Y PANGHIHIKAYAT ONLINE NA MAGPALISTA PARA SA AYUDA

Mariing pinabulaanan ng Municipal Social Welfare and Development Office ( MSWD) at ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang kumakalat sa social media na umano’y nanghihikayat sa publiko online na magpalista para sa ayuda.

Ayon sa sa isang online chat na ipinost, nanghihikayat ang isang indibidwal sa pamamagitan ng messenger na magpalista ng pangalan kapalit umano ng slot o pwesto para makatanggap ng ayuda mula umano sa DSWD.

Sa oras na makapagpalista umano ang tinatanungan at nagbigay ng mga hinihingi rin nito na requirements tulad ng numero, at valid id ay mapapasama umano ito sa listahan at mabibigyan ng 8,000 pesos na ayuda.

Mariing inihayag ng lokal na pamahalaan na ito ay fake news at nagbigay paalala sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na balita. Huwag umanong mag-atubiling magtanong sa mismong tanggapan upang maiwasan na maloko ng mga maling impormasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments