Mukha Ng Kandidato Lagyan Ng Letrang X Kasabay Sa Shame Ng Campaign

14

Magiging epektibo ang ikinakasang Shame Campaign ng Commission on Elections   Comelec lalo na dito sa  Zamboanga Peninsula ito ang tahasang sinabi ni Comelec Regional Director  Jay Balisado sa panayam ng  RMN Pagadian.

Aniya, mahigpit nilang ipapatupad ang nasabing kampanya laban sa mga kandidatong maglalagay ng mga poster sa mga hindi otorisadong lugar.

Nabatid na noong nakaraang  Midterm Elections puspusan ang ginawang operasyon ng comelec 9 upang disiplinahin ang mga politikong epal, isa aniya na paraan na kanilang ginawa ay ang paglalagay ng letrang  X sa mismong mukha ng kandidato.

Kasabay nito, muling umapila si Balisado sa publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang anumang paglabag sa mga panuntunan sa pangangampanya ng mga kandidato, kahit ang violator ay mismong kandidatong napupusuan nilang iboto.

Facebook Comments