MULING NAGBANTA | Sinumang makapapatay sa miyembro ng NPA, bibigyan ng pabuya ng Pangulo

Manila, Philippines – Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army.

Sa kaniyang talumpati sa Camp Hernandez sa Iloilo, sinabi ng Pangulo na handa siyang magbigay ng pabuya sa sinumang makakapatay sa isang miyembro ng NPA.

Dumepensa naman si Pangulong Duterte sa naging pahayag niyang barilin sa maselang bahagi ang isang babaeng miyembro ng NPA.


Nanawagan naman ang Pangulo sa NPA na tigilan na ang pagmamanipula sa isipan ng mga Pilipino at sumuko na.

Giit ng Pangulo, bibigyan niya ng pangkabuhayan at training mula sa TESDA ang mga susukong NPA.

Facebook Comments