Muling pagpapatupad ng work-from-home arrangement, desisyon na ng mga pribadong kompanya

57

Discretion na ng mga pribadong kompanya kung muling magpapatupad ng work-from-home arrangement sa kanilang mga manggagawa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na sa kanilang kompanya, tuwing Biyernes lamang ang work-from-home set up, pero mula Lunes hanggang Huwebes ay kailangang pumasok ng pisikal sa mga opisina.

Ayon kay Concepcion, ngayong walang tigil ang oil price hike kapansin-pansin na bumaba ang mobility o paglabas at pagbiyahe ng mga tao kaya ang iba ay work-from-home na lamang.


Gayunpaman, aminado si Concepcion na kapag nagpatuloy ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin ay maapektuhan ang purchasing power at consumer demand para sa iba’t ibang produkto na magre-resulta naman nang pagbagal ng ekonomiya.

Facebook Comments