Muling pagsigla ng turismo sa bansa, ikinatuwa ni Legarda

53

Ikinatuwa ni House Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda ang muling pagsigla ng sektor ng turismo sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Legarda, malaking tulong ito lalung-lalo na sa mga Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMES) na bumubuo ng 99.5% ng ating ekonomiya.


Sa kabila nito, muli ring nagpaalala si Legarda sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols para maiwasan ang panibagong COVID-19 surge lalo na ngayong marami ang dumadagsa sa mga tourist destinations.

Facebook Comments