MULTA SA PAGTUBOS NG STRAY PETS SA BACNOTAN, LA UNION, IPINATUPAD

Inilatag ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang karampatang multa sa hindi pagtubos ng nahuling stray animals sa mga centers sa ilalim ng Municipal Ordinance no. 801 series of 2024.

Base sa amendment ng naturang ordinansa, may kaukulang multa na P200 kada araw kapag hindi nakuha ang alagang hayop sa iskedyul na itinakda ng mga inatasang centers habang P100 sa malalaking hayop at P50 sa para sa mga aso ang magiging bayarin ng pet owner sa loob ng 24 oras.

Ito ay hakbang upang hindi mapuno ang mga pasilidad na tinutuluyan ng mga nahuhuling stray animals sa bayan bilang paalala na rin sa responsibilidad ng mga pet owners.

Samantala, mungkahi ng mga residente sa bayan ang pagsasagawa ng adoption drives para sa mga alagang hayop upang magkaroon umano ng tahanan ang mga pakalat-kalat na alagang hayop kasunod ng diretsong reklamo sa ilang mga barangay ukol sa pagdami ng stray animals sa bawat barangay dahil sa nagkalat na dumi ng hayop at basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments