
Pinaboran ng Department of Health (DOH) ang mungkahing gawing 30/kph ang speed limit ng mga sasakyan sa urban area.
Sa road safety event ngayong araw, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa, na maganda ang mungkahing ito ng Move as One coalition sa pangunguna ng road advocate na si Robert Siy.
Ani Herbosa, maraming buhay ang maililigtas kapag nagkaroon ng tamang speed limit ang mga sasakyan.
Ibig sabihin, mas bababa na rin ang mga report na mga aksidente sa kalsada na kung minsan ay kumikitil sa buhay ng mga road user.
Samantala, tiniyak naman ng Move as One Coalition na susuportahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang naturang mungkahi lalo pa’t prayoridad ng ahensya ang safety ng mga mananakay, pasahero, at mga motorista.