Mungkahing demonetization ng ₱1,000 at ₱500 bills, pag-aaralan muna—Palasyo

Kailangan munang pag-aralan at timbangin ang mungkahi ni dating Finance Secretary Cesar Purisima na i-demonetize o alisin sa sirkulasyon ang ₱1,000 at ₱500 na perang papel bilang hakbang kontra korupsiyon.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dapat balansehin ang ganitong panukala at suriin nang mabuti ang mga magiging epekto bago magpasya.

Kasama sa gagawing pagtimbang sa pros and cons ng nasabing rekomendasyon mula sa dating Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi.

Sa mungkahi ni Purisima, inirekomenda niyang gawing ₱200 na lamang ang pinakamataas na denominasyon ng papel na pera sa bansa upang mahirapan umano ang mga tiwaling opisyal sa pagtatago at paglilipat ng malalaking halaga ng kuwestiyonableng salapi.

Facebook Comments