Mungkahing isama sa House Prosecution Team sina De Lima at Atty. Chel Diokno, sinuportahan ng isang lider ng Kamara

Buo ang suporta ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na mapasama sina dating Senator Leila De Lima at human rights lawyer Chel Diokno sa House prosecution panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Para kay Khonghun, “powerful reinforcement” sina De Lima at Diokno sa pagsusulong ng hustisya at pananagutan sa bayan.

Binanggit ni Khonghun na bukod sa parehong abogado sina De Lima at Diokno ay pareho din silang tagapagtanggol ng karapatang-pantao at kritiko ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakdang umupo si De Lima sa Kongreso bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list, habang kinatawan naman si Diokno ng Akbayan Party-list, na kasalukuyang nangunguna sa party-list election.

Facebook Comments