Mungkahing payagang lumabas ang senior citizens, dapat pag-aralang mabuti

35

Pabor si Committee on Health Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go sa panukala ni Senator Cynthia Villar na payagan nang lumabas ang mga senior citizen na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Go na dapat pag-aralang mabuti kung safe nang palabasin ng bahay ang mga may edad na.


Sinabi ni Go na pabor siyang dapat nag-i-enjoy ang mga senior citizen sa mga nalalabing panahon ng kanilang buhay kaya sila inunang bakunahan kasunod ng health workers.

Ipinaliwanag ni Go na binabalanse rin kasi ng pamahalaan ang lahat lalo na at hindi pa napapatunayan na hindi na mahahawa ng COVID-19 ang mga matatandang nabakunahan na.

Dagdag pa ni Go, sana ay maunawaan din ng mga senior citizen na kapakanan lang nila ang iniisip ng gobyerno kaya sila iniingatan.

Facebook Comments