Municipal councilor ng Northern Kabuntalan, Maguindanao, patay nang manlaban sa buy-bust operation ng PDEA

Patay ang isang municipal councilor ng Northern Kabuntalan, Maguindanao matapos manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maguindanao.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nasawi na si Jaymar Bandang.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Purveyor subdivision sa Brgy. RH 11.


Nakumpiska sa suspek ang mahigit 20 grams ng hinihinalang shabu na may street value na ₱136,000, isang caliber .45 pistol, mga bala, buy bust money, ID’s at isang analog cellphone.

Facebook Comments