Municipal Treasurer at Mister nito arestado dahil sa Shabu

53

Kalaboso ang acting Municipal Treasurer ng bayan ng Palimbang kasama ang kanyang mister matapos makumpiskahan ng ipinagbabawal na gamut sa operasyon ng PDEA 12 kasama ang Task Force Gensan.

Ikinasa ang search operation mag aalas 9 kagabi sa pangunguna ni PDEA 12 Director Gil Castro kasama si Col Adonis Bajao ng TF Gensan resulta ng pagkakahuli kay Joy Nadar 46 anyos, Tresurer ng Palimbang, at mister nitong si Jojo , sinasabing kapwa mga HVT ng PDEA ang mag asawa at sinasabing myembro ng SOGIS Drug Syndicate.

Nukuha mula sa kanila ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 250k, mga bank documents, rifle grenade, bala ng 40 mm, at mga bala ng armalite.

Matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang mga ito dahil sa di maipaliwanag na yaman taliwas sa kanilang simpleng hanapbuhay giit ni Director Castro.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mag asawa na kasalukuyang nakakulong sa PDEA 12.

Facebook Comments