Muntinlupa City Government, nakatanggap ng foot-operated hand sanitizers at foot bath mula sa Metro Manila Councilors League

Nag-donate kahapon ng foot-operated hand sanitizers at foot bath ang Metro Manila Councilors League (MMCL) sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa.

Ito ay bilang supporta ng MMCL sa ginagawang mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa laban sa COVID-19.

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa naturang organisasyon ng mga Councilor ng Metro Manila.


Ayon sa alkalde, ang foot-operated hand sanitizers at foot bath ay ilalagay naman sa ilang lugar ng lungsod.

Tiniyak naman ng alkalde na patuloy na gagawa ito, kasama ang kanyang mga opisyal, ng sanggunian panglungsod ng mga hakbang upang maging ligtas ang mga residente nito laban sa sakit na dala ng virus.

Facebook Comments