Muntinlupa City, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19

75

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa na kahapon ay nakapagtala ito ng 46 na bagong bilang ng kaso ng COVID-19.


Batay sa kanilang datos, ang mga bagong pasyente ng COVID-19 sa lungsod ay mula sa Barangay Bayanan na may 15, Tunasan na may 12, Poblacion na may walo at apat sa Barangay Cupang.

Kasama rin ang Barangay Putatan na may tatlong bagong kaso ng COVID-19, dalawa sa Sucat at tig-isa sa Barangay Alabang at Buli.

Meron ding bagong dalawang pasyente ng COVID-19 ang nasawi mula sa Bayanan at may tatlong bagong recoveries mula naman sa Barangay Putatan at Sucat kahapon.

Ayon kay Muntinlupa City PIO Tez Navarro, ito na ang araw na nakapagtala ang lungsod ng pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments