Muntinlupa City Police, nagsasagawa ng follow-up operation sa mga sangkot sa komosyon sa harap ng isang mall sa Muntinlupa

13

Patuloy na hinahabol ngayon ng Muntinlupa City Police ang mga suspek na sangkot sa komosyon kanina sa harap ng isang mall sa Alabang, Muntinlupa City.

Unang kinumpirma sa DZXL RMN News ni Muntinlupa City Chief of Police Col. Melecio Buslig Jr., ang tensyon nang sitahin ng mga gwardiya ng mall ang mga suspek na sakay ng isang SUV.


Aniya, kahina-hinala ang kilos ng 3 mga suspek kaya sinita ito ng mga security guard at hinarangan ng motorsiklo ang sinasakyang Mitsubishi Montero.

Nang tumangka aniyang tumakas ang mga suspek ay binaril ng mga gwardiya ang gulong ng SUV.

Na-recover ng mga otoridad ang sasakyan pero nakatakas ang mga sakay nito at patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad.

Wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.



Facebook Comments