Muntinlupa Mayor Fresnedi, hinimok ang residente na sumagot sa COVID-19 vaccine survey

34

Inilunsad na ng Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang survey kaugnay sa bakuna kontra COVID-19.

Hinimok ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang mga residente nito na lumahok sa pagsagot ng naturang survey.


Mahalaga ang survey para sa gagawing COVID-19 vaccination program ng lungsod upang malaman kung sino ang gusto magpabakuna at hindi.

Maliban dito magiging datos din ito ng Health Department ng lungsod kung ilan ang gusto magpabakuna at kung ano ang brand ng bakuna ang gustong ipaturok.

Sa papamagitan aniya ng survey, malalaman ang age range, kung may sakit o wala ang nais magpabakuna, at ang rason kung bakit ayaw magpabakuna.

Bisitahin lang anya ang Official Facebook account ng Muntinlupa City Government at hanapin ang link ng COVID-19 Vaccine Survey Form.




Facebook Comments