MURANG PRESYO | Isang gasoline station sa QC, pinipilahan ng mga taxi at jeepney

Manila, Philippines – Mas mura ng apat na piso ang per litre ng gasolina at diesel sa isang gasoline station na nakahimpil sa Timog Avenue, Quezon City.

Kapansin pansin na mahaba ang pila sa Clean Diesel dahil nasa
52.70 per litre ang gasolina habang 43.90 lamang sa diesel.

Ayon kay Anthony Mamon, pump attendant ng clean fuel, mas mura ang kanilang produktong petrolyo dahil hindi sila nagbabayad para sa advertisement.


Mismong mga taxi at jeepney drivers ang nagkukuwento at nagpapakilala lamang sila sa pamamagitan ng tarpaulin.

Dito na nagpapagasolina ang mga Public Utility Vehicle (PUV).

Facebook Comments