Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at US, napapanahon na para i-review

59

Naniniwala si Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana na panahon na para isailalim sa review ang Mutual Defense Treaty na nilagdaan ng Pilipinas at US noong 1951.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo sa pagpupulong nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan pa rin ng US ang Pilipinas sa sandaling pumutok ang gulo sa West Philippine Sea (WPS) sa hanay ng mga claimant countries.

Ayon kay Lorenzana, dapat maging malinaw sa magkabilang panig kung ano ang interes ng mga bansang signatory sa nasabing kasunduan.

Inihalimbawa ng kalihim ang ginawang pananakop ng China sa ilang mga isla sa West Philippine Sea (WPS) kung saan ay nanatiling tahimik ang US.

Sinabi pa ng defense chief na hindi dumaan sa ratiffication ng US Congress ang nasabing kasunduan na nilagdaan 68 taon na ang nakalilipas.

Kung siya ang tatanungin, sinabi ni Lorenzana na dapat ay noong nasa bansa pa ang mga US military bases isinagawa ang review sa Mutual Defense Treaty.

Facebook Comments