MWSS, nilinaw na hindi tuluyang kinakansela ang extension ng water concession agreement

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi pa nila tuluyang binawi ang extension ng concession agreement ng Maynilad at Manila Water.

Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat – tanging ang board resolution na naglalatag ng mga termino sa extension ang kanilang kinansela.

Kailangan lang na magkaroon ng negosasyon ang extension ng naturang kasunduan.


Sa 1997 Concession Agreement, mapapaso ang kontrata sa 2022 pero pinalawig pa ito hanggang 2037.

Hangad lamang nila na alisin ang mga maanomalyang probisyon sa kasunduan.

Itinanggi naman ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na magkakaroon ng taas-singil sa tubig dahil sa re-negotiation sa dalawang water concessionaire.

Bagamat, walang ibinigay na timeline ang MWSS ay target nilang maayos ang bagong kontrata sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments