MWSS, tinawag na pabaya ng isang consumers group dahil sa nararanasang water shortage sa kamaynilaan

19

Isinisi ng United Filipino Consumers and Commuters  sa kapabayaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang perwisyong pinagdaraanan ngayon ng mga konsumidor ng tubig sa Metro Manila.

 

Ayon kay RJ Javellana Jr, pangulo ng UFCC, hindi na sana nagtitiis ang mga water consumers  17 oras kada araw na  mahina o walang supply ng tubig kung ginampanan ng MWSS ang papel nito bilang regulatory body.


 

Aniya, ang  krisis sa tubig sa Angat Dam ay maaari naman sanang naiwasan kung tiniyak ng  MWSS na naipatupad ng maayos ang mga Water Sustainability Projects simula pa noong  2002.

 

Dagpag pa ni Javellana, advance na kumolekta sa water bill ang Maynilad at Manila water pero wala pang  naisakatupan sa mga proyekto.

 

Dahil dito,panawagan ng UFCC, isapubliko ang ang nalikom na pondo at napuntahan nito.

Facebook Comments

From Advertisers