MWSS, tiniyak na hindi sasakupin ng Kaliwa Dam ang isang Barangay sa Tanay, Rizal

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi sasakupin ng Kaliwa Dam sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal.

Ito’y kasunod ng pangamba ng mga Residente at mga katutubo na mawawalan sila ng pagkakakitaan at tirahan.

Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, hindi lulubog sa tubig ang buong lugar.


Pwede ring magsilbing eco-tourism site ang dam.

Taong 2023 o 2024 planong magamit ang Kaliwa Dam na kayang magbigay ng 600 Milyong Litro ng tubig kada araw para sa tatlong Milyong customer.

Facebook Comments