NA-ABSWELTO | Reklamo laban sa suspected drug lord na si Peter Lim at iba pa, ibinasura ng DOJ

157

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng Philippine National Police (PNP) ang pagbasura ng DOJ sa mga kaso laban sa suspected drug lord na si Peter Lim at limang iba pa dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs trade sa Visayas region.

Bukod kay Lim, abswelto rin sina Kerwin Espinosa, Peter Co, marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.

Sa interview ng RMN kay PNP Spokesman, Chief Superintendent John bulalacao, iginiit ng PNP na sumunod sila sa tamang proseso at ibinigay ang mga kinakailangang ebidensya para madiin ang mga ito.

Nabanggit din ni Bulalacao na malaki ang maitutulong ng subpoena powers sa mga ganitong kaso.

Pero hindi pa ito epektibo dahil hindi pa tapos ang 15-day period matapos itong ilathala.

Sa kabila nito, handa pa rin ang PNP na i-refile o muling magsampa ng kaso laban sa mga nasasangkot.

Facebook Comments