NA-BULLY | Gabbi Garcia, nakakuha ng suporta sa kapwa artista hinggil sa pagpapatigil sa body-shaming

133

Manila, Philippines – Nakakuha ng suporta ang actress na si Gabbi Garcia mula sa mga kapwa-artista pagkatapos niyang mag-post tungkol sa body-shaming.

Nabatid kasi na nararanasan ng aktres ang pambu-bully ng ibang tao dahil sa kanyang pagiging flat-chested kung saan tanggap naman daw niya ang kaniyang mga kakulangan.

Ilan sa mga nagkomento sa post ni Gabbi ay sina Iza Calzado, Kylie Padilla, Leila Alcasid, at Rocco Nacino na pawang naranasan din ang body-shaming.

Proud din na nag-post si Gabbi sa instagram ng kaniyang larawan na naka-swimsuit kaya at panawagan nito sa mga netizen na itigil na ang pangba-body shaming at tanggapin lang daw ang ipinagkaloob ng nasa itaas.

Facebook Comments