NA-MISINTERPRET LANG? | Billy Crawford at Coleen Garcia, todo paliwanag sa kanilang prenup photos

203

Manila, Philippines – Todo paliwanag ngayon sina Coleen Garcia at Billy Crawford dahil sa kontrobersyal na prenuptial photos nila na kinunan sa Ethiopia.

Ito ay matapos umani ng ilang batikos ang naturang mga larawan ng dalawa kung saan paliwanag nila na na-misinterpret lamang at wala silang intensyon na makasakit sa sinumang mamamayan na kasama nila sa picture.

Ayon pa kina Billy at Colleen, mismong ang Ethiopian Airlines ang nag-imbita sa kanila na roon gawin ang pre-nup shoot upang maipakita ang kanilang kapaligiran at makatulong sa turismo at ekonomiya.

Nilinaw din ng dalawa na hindi pa iyon ang kanilang official prenuptial photos, dahil mayroon pa silang final shoot dito sa Pilipinas.

Matatandaan na binatikos ng ilang netizens ang mga litrato kung saan makikita ang ilang Ethiopian locals na nakapalibot sa kanila o kaya naman ay nasa kanilang likuran na nagmistulang props.

Facebook Comments