NA-OVERDOSE? | Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa Caloocan

19

Caloocan City – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa madamong bahagi ng Libis Service Road sa Barangay 161, Caloocan City.

Ang nasabing biktima ay tinatayang nasa edad 24 hanggang 25-anyos kung saan sa initial na imbistigasyon, walang nakitang tama ng bala o saksak ng kutsilyo sa biktima.

Pero may nakuhang isang pakete ng shabu sa bulsa nito kaya at hinala ng mga residente na baka na-overdose na ito sa droga.

Unang inakala ng isang motorista na basura ang natagpuang katawan ng lalaki kaya at agad siyang tumawag ng pulis para ipasuri ito.

Facebook Comments