
Cauayan City – Natagpuan ang isang bangkay ng naaagnas lalaki sa Barangay Nuesa, Roxas, Isabela kung saan sampung metro lamang ang distansya mula sa kanyang bahay.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Police Captain Leonard M. Mamerga, Officer-In-Charge, bandang alas 9 kahapon, May 21, 2025, nagtungo ang dalawang concerned citizens sa kanilang himpilan upang ipaalam ang insidente.
Agaran namang rumesponde ang PNP Roxas sa lugar at bumungad sa kanila ang katawan ng isang lalaki na limang araw nang nawawala ayon sa kanyang pamilya at halos maagnas na ang buong katawan.
Tumanggi umano ang pamilya na ipa autopsy ang biktima dahil aminado naman sila na walang foul play na nangyari.
Ayon sa asawa ng biktima na si Marilyn Agcanas, lulong umano sa alak ang kanyang asawa.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, mag-isa ang biktima sa kanyang bahay at nang umuwi ito na lasing ay doon na siya humandusay sa damuhan malapit sa kanyang bahay.
Hindi na nagising ang biktima dahil na rin umano sa sobrang kalasingan at pinasok na ng lamig ang kanyang katawan na sanhi naman ng kanyang pagkamatay.