Naarestong most wanted sa Japan, ide-deport na mamaya

66

Ngayong hapon, lilipad na pabalik ng Japan ang isa sa most wanted na Hapones na naaresto ng Bureau of Immigration na si Misao Kaminsukasu, alias Misao Koyama at Takeshi Koyama.

Si Kaminsukasu ay sasamahan pabalik ng Japan ng Japanese arresting authorities sakay ng Nippon Airways flight NH 870.

Kahapon ibinaba ng Immigration Bureau ang utos para sa summary deportation kay Kaminsukasu na nahuli sa Makati city noong December 18 dahil sa multi-billion yen swindling case sa Japan.

October 13 nang dumating sa bansa si Kaminsukasu para magtago subalit napaso na ang 30 days tourist visa nito kasabay ng koordinasyon ng Japanese authorities sa interpol kaya nahuli siya sa Pilipinas.

Facebook Comments