Nabakunahang PNP personnel, umabot na sa mahigit 210,000

33

Nakapagtala na ang Philippine National Police o PNP ng mahigit 210,000 na tauhan na naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, 124,758 PNP personnel o 56,02 percent ang fully vaccinated habang 85,877 PNP personnel o 38.56 percent ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.


Mayroon na lamang 12,076 PNP personnel o 5.42 percent ang hindi pa nababakunahan.

Pero, pinayuhan ni Eleazar ang mga pulis lalo ang mga nasa frontline na doblehin ang pag-iingat kahit nabigyan na ng bakuna.

Ito ay matapos masawi sa COVID-19 ang isang pulis mula sa Western Visayas kahit nakakumpleto na ang bakuna laban sa Coronavirus.

Facebook Comments