NABAWI | Mga alahas na ninakaw sa isang sikat na hotel sa Paris, France, nabawi na

24

Paris, France – Naibalik na ang 4.8 Million dollars o mahigit P240,000,000 na halaga ng mga alahas na ninakaw sa sikat na Ritz Hotel sa Paris, France.

Iniwan din mismo ng mga kawatan sa loob ng hotel ang bag na pinaglagyan nila ng mga alahas.

Tatlo sa mga suspek ang naaresto habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang dalawa pa nilang kasamahan.

Sa nasabing hotel din natangayan ng mahigit 10-million dollars na halaga ng pera at alahas ang American Reality TV Star na si Kim Kardashian na tinutukan pa ng baril ng mga suspek.

Facebook Comments