NABAWI NA | Higit 100 gold bars, nahulog sa pagtake-off ng isang eroplano sa Siberia

77

Siberia – Mahigit 100 gold bars ang nahulog mula sa isang eroplano sa
Yakutsk airport, Siberia.

Nag-take off ang isang Antonov plane nang biglang bumukas ang pintuan ng
cargo nito at nahulog ang kargamento nitong ginto.

Lumalabas na nagkaroon ng sira ang pintuan ng cargo habang umaangat ang
eroplano at gumalaw ang mga kargamento.

Nabawi naman ang nasa 172 na solidong ginto na may bigat na 3.4 metric tons.

Galing ang mga ginto sa minahan sa Chukotka region.

Facebook Comments