NABIYAYAAN | Isa na namang kababayan natin ang nagkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng “Radyo Trabaho” ng DZXL 558 RMN Manila

28

Si Shiela Soriano, 40-years old ay ang ika-17 job seeker na natulungan ng ating programa.

Kwento ni Shiela, 2 taon siyang hindi nakapag-hanapbuhay dahil kinailangan niyang alagaan ang kanyang ama na may sakit. Agosto nang una niyang mapakinggan sa DZXL 558 ang mga job openings, pero nito lang nakaraang linggo nagsadya siya sa ating himpilan para magsumite ng resume.

Kahapon lang sumalang si Shiela sa final interview at direktang natanggap bilang Admin Assistant sa Lucky Star Manpower Agency. Sa sobrang saya, hindi naiwasang maging emosyonal ni shiela dahil halos ma-depress daw siya sa paghahanap ng trabaho lalo’t mga bata ang nakasabayan niya.

Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370

Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!

Facebook Comments