NABUHAYAN NG PAGASA | 2 idinawit sa illegal drug trade sa Cebu, umaasang malilinis din ang kanilang pangalan

47

Cebu – Dalawa pang idinawit sa operasyon sa iligal na drugs, muling umapela na sila ay imbistigahan din upang malinis nila ang kanilang pangalan. Ito ang naging reaksiyon nina dating cebu City Mayor Michael Rama at Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot matapos i-dismiss ng Department of Justice ang mga kaso laban kay Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pang mga drug personalities. Kumpyansa si Rama At Loot na malilinis din nila ang kanilang mga pangalan kagaya ni Lim at Espinosa kapag sila ay isinailalim sa imbistigasyon. Kapwa si Loot at Rama ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drug trade.

Facebook Comments