NADAGANAN | Lola, patay nang mabagsakan crane sa isang ginagawang proyekto ng Manila Water

205

Manila, Philippines – Patay ang 74- anyos na lola matapos madaganan ng bumagsak na crane sa isang ginagawang proyekto ng Manila Water sa Pag-Asa Compound Barangay Old Balara, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Rosalinda Mendez.

Ala sais kaninang umaga, nagwawalis sa kanilang bakuran ang lola nang maputol ang crane.

Naisugod pa sa ospital si Mendez pero binawian din ng buhay.

February inirereklamo na ng mg residente dahil sa ingay ng mga trabahador na 24 oras na nagtatrabaho.

Matagal ng inirereklamo ng mga residente ang Nova bala JV Corp dahil sa kanilang mga substandard na mga gamit.

Una nila itong ipinarating kay Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte pero walang pag-aksyon dito.

Facebook Comments