NADAGDAGAN! | Nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog, 11 na

76

Laguna – Umabot na sa labing-isa ang bilang ng mga nasawi dahil sa hinihinalang pagkalason sa ininom na lambanog sa Laguna.

Kinilala ang huling nasawi na si Florentino Barlao, 52-anyos mula sa Barangay Pooc.

Ayon kay Sta. Rosa Police Chief Supt. Eugene Orate – si Barlao ay kasama sa grupo ng mga lalaking uminom ng lambanog noong December 2.

Samantala, anim naman ang namatay sa Calamba habang inoobserbahan pa ang nasa 87 residente mula sa Barangay Sucol.

Kung susumahin, nasa 16 na katao na ang nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog kasama ang lima mula sa Lungsod ng Quezon.

Facebook Comments