Manila, Philippines – Tatlong dayuhan na kinabibilangan ng dalawang British at isang Amerikano ang dinakip ng Bureau of Immigration dahil sa pagiging overstaying sa bansa.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang Britons na sina Kevin Hadfield, 68, at Kevin Stanley Eifert, 67
Sila ay kapwa naaresto sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.
Ang Amerikano naman na si Todd Allen Null ay naaresto ng immigration operatives sa Pasig City.
Ilang impormante ang nakipag ugnayan sa Bureau of Immigration para sa ikadarakip ng tatlong dayuhan na iligal na nananatili sa bansa.
Sila ay nakatakdang pabalikin sa kani kanilang mga bansa.
Facebook Comments