NADAMAY | Grade 8 student, sugatan sa ligaw na bala sa Pagadian City

32

Pagadian City – Sugatan ang isang grade 8 student matapos tamaan ng ligaw na bala sa Purok Kamunggay, Barangay Alegria sa Pagadian City.

Sinugod sa Zamboanga del Sur Medical Center ang 12-anyos na biktima na si Lovel na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang braso.

Bumibili lang noon ng kaniyang pagkain ang biktima sa isang sari-sari store sa lugar nang makarinig siya ng ilang putok ng baril mula sa ilang lalaking nag-aaway.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang kapulisan ng Pagadian City para matukoy kung sino ang mga lalaking sangkot sa pamamaril sa lugar.

Facebook Comments