Nadine Lustre, bumuwelta sa dating radio host na si Jobert Sucaldito

112

Hindi pinalampas ng aktres na si Nadine Lustre ang pahayag ni dating radio host na si Jobert Sucaldito.


Ito ay matapos na sabihin ni Jobert sa pagdinig sa Kongreso na kaya siya tinanggal sa ABS-CBN dahil sinabihan niya noong January 2020 sa ere si Nadine na tumalon na lamang sa building.

Sa kanyang Instagram stories, binuweltahan ni Nadine si Sucaldito dahil hindi nito nakikita ang kanyang pagkakamali.

Giit ng aktres, hindi na siya nahiya sa sinabi niya na parang ‘ok lang’ na sabihan ang isang tao na magpakamatay ito.

Hindi rin makapaniwala si Nadine na ginamit ng radio host ang isyu nila noon upang siraan ang ABS-CBN ngayon.

Binigyan diin ng 26-years old actress na tinanggal si Sucaldito dahil mali ang sinabi nito laban sa kanya.

Facebook Comments