Nadine Lustre – inaming nakaranas din ng depresyon

77

Manila, Philippines – Sa harap ng pinagdadaanan ngayon ng pamilya ni Nadine Lustre, inamin ng aktres na minsan na rin siyang dumaan sa depression.

Sa pamamagitan ng kanyang instagram post kagabi, binigyang-diin ni Nadine na hindi madali ang pagkakaroon ng depresyon na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin daw niya.

Dumating na rin daw sa punto na parang gusto na niyang sumuko.

Kasalukuyang nagdadalamhati ang pamilya ng aktres dahil sa pagpanaw ng nakababata niyang kapatid na kamakailan ay nag-suicide dahil sa depresyon.

Kasabay nito, umapela si Nadine ng privacy at respeto.

Facebook Comments