Nadine Lustre, inaming wala siyang balak magka-baby

45

Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na sa ngayon ay wala siyang balak magka-baby.

Sa isang vlog, ikinuwento ni Nadine na kung dati’y dalawang anak ang gusto niya, nagbago na raw ang lahat ng iyon dahil sa kanyang mga pinagdaanan.


Say pa ni Nadine, mas gusto niyang mag-adopt ngayon dahil maraming bata sa mundo ang nangangailangan ng magulang.

“Just because I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt,” paliwanag ni Nadine.

Sa kabila nito, hindi naman inaalis ng aktres ang posibilidad na magkaroon pa rin ng anak.

Facebook Comments