Nadine Lustre, nakasamang muli sa online poll para sa annual “100 sexiest Woman in the World” list ng FHM Philippines

98

Manila, Philippines – Katulad noong nakaraang taon, maagang lumitaw ang pangalan ni Nadine Lustre sa online poll para sa annual “100 sexiest Woman in the World” list ng FHM Philippines.

Ang “On the Wings of Love” star ay nauna kay 2-time winner Angel Locsin at Rhian Ramos.

Ika-apat naman sa listahan ang 2015 FHM sexiest na si Jennylyn Mercado at pang-lima naman ang 3-time winner at FHM hall of fame na si Marian Rivera.

At para ma-kumpleto ang top 10 sa listahan, sinusundan naman ito ni Anne Curtis na pang-6th, Angelica Panganiban, Toni Gonzaga, Bea Alozo at Arci Muñoz.

Samantalang ang 2016 FHM sexiest woman na si Jessy Mendiola ay wala sa top 10.
Ang FHM Philippines poll ay magtatapos sa June 1.

Facebook Comments