Nadine Samonte – humiling ng dasal sa gitna ng maselang pagbubuntis

1392

Humihiling ngayon ng panalangin ang aktres na si Nadine Samonte matapos makaranas ng komplikasyon sa kanyang pagbubuntis.

Ayon kay Nadine na baka maisilang nya ng wala pa sa itinakdang oras ang ikalawang anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Richard Chua.

Sinabi pa ni Nadine na nung magbuntis siyang muli ay na-diagnose siya na mayroong Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS), na isang uri ng autoimmune disorder.

Gusto narin aniya na makapiling na ang panganay nitong si Heather Sloane.

Sa ngayon ay naka-confine pa ang aktres dahil sa nararamdaman nitong contractions sa kanyang tiyan.

Facebook Comments