Nadiskaril na armored personnel carrier ng PNP SAF sa Marawi City, narekober na ng pulisya

Marawi City, Philippines – Narekober na ng tropa ng pamahalaan ang nadiskaril na tangke ng Special Action Force sa kasagsagan ng gulo sa Marawi City.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang regional director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, hawak na ngayon ng pamahalaan ang v150 o ang armored personnel carrier ng SAF.

Matatandaang kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na naagaw ng teroristang grupong ISIS ang tangke ng SAF.


Pero ayon kay Dela Rosa, nakatisod ng landmine ang tangke kung kaya nadiskaril at nahulog ito sa gutter.

Nagpasya na lamang umano ang mga sakay na pulis na abandonahin ang tangke dahil sa sunud sunod na putok na nagmumula sa grupong Maute.
DZXL558

Facebook Comments