Nag-amok na Russian Soldier, arestado matapos patayin ang tatlong sundalo kabilang na ang isang opisyal

166

Arestado ang isang Russian Soldier matapos atakihin ang tatlong sundalo kabilang ang isang opisyal sa isang military base sa Southern City ng Voronezh.

Kinilala ang suspek na si Pte Anton Makarov na nakabase sa Baltimor airbase.


Ayon sa mga otoridad, una nitong pinatay ang isang opisyal gamit ang palakol at pagkatapos ay kinuha ang baril nito saka pinagbabaril ang dalawa pang sundalo na agad ikinasawi ng mga ito.

Hindi naman matukoy ng mga otoridad ang dahilan ni Makarov sa pagwawala nito.

Nabatid na una nang sinabi ni Vladimir Osechkin, founder ng anti-torture project sa Gulagu na nakararanas ng pambubugbog si Makarov mula sa mga superior nito na itinanggi naman ng huli.

Facebook Comments