“NAG-IINARTE LANG” | Sen. Antonio Trillanes, hindi natitinag sa mga babala ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

67

Manila, Philippines – Hindi natinag si Senator Antonio Trillanes IV sa babala sa kanya ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Trillanes, nag-iinarte lang ang alkade sa pagsabi na hindi siya tatakbo sa 2022 presidential elections.

Aniya, wala siyang planong bawiin ang kaniyang pahayag na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na patakbuhin si Inday Sara sa eleksyon para makaiwas sa mga kaso.

Gayunman, giit ni Trillanes na wala siyang oras para sagutin ang mga huling patutsada sa kanya ng alkalde.

Una nang nagbabala si Inday Sara na dapat ay lubayan na siya ni Trillanes.

Aniya, mapipilitan si Trillanes at ang mga kaalyado nito na gumastos ng bilyon-bilyong piso para kalabanin siya sa presidential elections.

Hindi katulad aniya ng kanyang ama na gustong mabaril si Trillanes ay sisiguraduhin niya na mananatiling buhay ang senador na naghihirap.

Facebook Comments