NAG-SORRY | Pangulong Duterte, humingi ng tawad sa nangyaring 2010 Manila hostage crisis

69

Manila, Philippines – Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring tourist hostage crisis noong August 2010 na ikinasawi ng walong turista mula Hong Kong.

Sa kaniyang pagharap sa Filipino community sa Hong Kong, sinabi ni Duterte na mula sa kaibuturan ng kaniyang puso bilang Pangulo ng Pilipinas pormal siyang humihingi ng tawad para sa nangayari.

Aniya, tama lang na mag-sorry dahil may mga nasawi sa nangyaring hostage taking.

Tinitiyak rin aniya niyang hindi na ito mauulit.

Matatandaang walo ang napatay ng dating pulis na si Rolando Mendoz ng i-hostage niya ang tourist bus sa lungsod ng Maynila noong Agosto 2010.

Hindi naman humingi ng tawad noon si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kabila ng panawagan ng mga taga-Hong Kong.

Facebook Comments