Nag-viral na doktor na sangkot sa Road Rage, ipapatawag ng LTO

863

Ipapatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang doktor na nag-viral sa isang road rage matapos sigaw-sigawan at pagmumurahin ang isang nakaalitang motorista.


Kinilala ng LTO ang doktor sa pangalang Tomas Mendez.

Sa Facebook Post ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa kinauukulang ang insidente at gumagawa na ng hakbang ang LTO para mahingan ng paliwanag si Dr. Mendez.

Hinimok din ng DOTr, ang Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA) na kumilos hinggil dito.

Samantala, itinanggi ng St. Lukes Medical Center na hindi bahagi ng kanilang practicing doctors ang Road Rage Suspect.

Si Mendez ay dating ENT Resident Trainees.

Facebook Comments