NAGALIT | P-Duterte, minura at pinagbantaan ang mga police scalawag na iprinisinta sa kanya

427

Manila, Philippines – Nanggagalaiti sa galit si Pangulong Rodrigo Duterte nang harapin nito sa Malacañang ang nasa isang daang pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Sabi ni Pangulong Duterte, rerebyuhin niya ang kaso ng mga pulis lalo na yung mga sangkot sa sindikato at pababantayan niya sila ng isang special unit.

Makahulugan din ang sinabi ng Pangulo sa mga akusadong pulis na huwag na silang magpiyansa at magtiis na lamang sa kulungan.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hindi siya nagbababala para manakot at wala siyang pakialam sa human rights dahil ito naman ang gustong mangyari ng mga nasabing pulis.

Kasabay nito, sinabihan ni Pangulong Duterte ang pamilya at kaanak ng mga iniharap sa kanyang mga pulis dahil baka isa sa mga ito ay uuwing bagsak o bangkay na.

Iginiit pa ni Pangulong Duterte na walang sisihan dahil matagal na siyang nagbabala pero hindi siya pinakinggan at ibibigay niya ngayon ang kanilang hinihingi sa paglaban sa gobyerno.

Facebook Comments