Umani ng reaksyon sa mga Pangasinense ang posibleng pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong jeep sa mga darating na araw.
Ito ay matapos hilingin ng ilang grupo ng mga tsuper ang Dagdag pasahe dahil sa malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang mga Pangasinense, pasanin ang nagbabadyang taas pasahe, gayong kulang na ang kanilang sinusweldo sa pang araw-araw na gastusin.
Ilang Pangasinense naman ang naiintindihan ang suliranin ng mga tsuper sa Kabila ng pagtaas ng mga bilihin
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ring mabuti ng LTFRB ang ipinasang petisyon ng ilang transport group, hinggil sa hiling nilang pagpapataas ng pamasaheng 15 pesos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments