NAGBABALA | Palasyo, kumbinsidong may gumagalaw na PR campaign para sirain si Pangulong Duterte at ang administrasyon

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na mayroong gumagalaw na PR Campaign ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte para pabagsakin ang administrasyon nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tanggap nila ang galaw ngayon ng mga kritiko kung saan pinupuntirya ngayon si Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Pero nagbabala naman si Roque sa mga nasa likod ng umaandar na PR Campaign laban sa Administrasyon na maghanda din sila dahil marami din aniyang pananagutan ang mga ito sa kanilang panunubgkulan.


Kabilang aniya sa mga pananagutang ito ay ang Pork Barrel Scam pati na ang konyrobersiya sa Dengvaxia.

Kung pananagutan rin lang ang aniya ang gusto ng mga kritiko na ang gusto ay manira, sige lang ayon kay Roque at maiging magharapan na at pag-usapan ang pananagutan ng isa’t- isa.

Facebook Comments